^

Probinsiya

Bakery nasunog: Buntis, 3 pa utas

Joy Cantos, Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon
Bakery nasunog: Buntis, 3 pa utas
Ayon kay Calamba City Police Chief PCOL Dennis De Guzman, ang mga nasawi ay mga residenteng nakatira sa ikalawang palapag ng Redlocks Bakery kung saan nagmula ang sunog.
STAR / File

MANILA, Philippines — Nasawi ang apat na indibidual kabilang ang isang buntis, habang isa pa ang sugatan matapos sumiklab ang sunog sa isang bakery sa Barangay Real, Calamba City, Laguna madaling-araw ng Huwebes.

Ayon kay Calamba City Police Chief PCOL Dennis De Guzman, ang mga nasawi ay mga residenteng nakatira sa ikalawang palapag ng Redlocks Bakery kung saan nagmula ang sunog.

Na-trap umano ang mga biktima sa loob ng gusali habang mabilis na lumalaki ang apoybandang alas-3 ng madaling-araw.

Bukod sa bakery, nadamay rin ang ilang ­katabing establisim­yento, ngunit agad na naapula ang apoy ng BFP, Calamba PNP, Public Order and Safety Office, at mga Barangay Quick Response Team.

Agad namang nabigyan ng paunang lunas ang sugatan ng mga medical responder ng City Disaster Risk Reduction and ­Management Division.

Ayon sa ilang nakasaksi, nakarinig muna sila ng malakas na pagsabog mula sa loob bago sumiklab ang apoy.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pagtukoy sa eksaktong sanhi ng sunog at kung paano na-trap ang mga biktima sa loob ng gusali.

Inaalam na rin ng BFP ang kabuuang halaga ng pinsalang idinulot ng insidente. — Cristina Go-Timbang

SUNOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with