^

Probinsiya

Mister inatake ng pating, todas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang 57 anyos na mister matapos na umano’y atakehin ng mabangis na pating sa karagatan ng Talibon, Bohol nitong Miyerkules, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang nasawing biktima na si Francisco Gonzales, residente ng Brgy. Calibutan na matatagpuan sa isang isla sa munisipalidad ng Talibon.

Sa pahayag ng misis ng biktima sa Philippine Coast Guard (PCG) Talibon at PNP personnel kasalukuyan silang sakay ng bangka ng kaniyang mister kasama ang kanilang dalawang anak nang mangyari ang insidente.

Ayon sa nasabing misis bigla na lamang umanong inatake ng pating na dinamba ang kaniyang mister na matapos kagatin ay biglang bumulusok pabalik sa tubig habang nasa gitna sila ng karagatan.a

Nagsisigaw naman sa paghingi ng saklolo ang nasabing misis na natanawan ng mga elemento ng PCG-Talibon na kasalukuyang nagsasagawa ng routine patrol sa lugar.

Ang nasabing mister ay may malaking sugat sa kaniyang balikat, pero ayon sa mga opisyal ng PCG ay hindi pa nila makumpirma kung talagang pating ang may kagagawan sa tinamong sugat ng biktima.

Nagawa pang maisugod si Gonzales sa Garcia Memorial Provincial Hospital pero idineklara na itong dead-on-arrival.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang kasong ito at inaalam na rin kung pating ang umatake sa biktima na ikinamatay nito.

BOHOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with