Eala binigyan ng wild card sa Berlin Open

MANILA, Philippines — Nabigyan si Alex Eala ng wild card sa main draw ng WTA 500 Berlin Open na gaganapin sa Hunyo 15 hanggang 21 sa Berlin, Germany.
Pormal nang inihayag ng mga organizers sa kanilang social media accounts ang pagpasok ni Eala sa main draw ng torneo.
Kaya naman hindi na daraan pa sa qualifying round si Eala.
Sariwa pa si Eala sa kampanya sa WTA 500 HSBC Championships sa London, England kung saan maaga itong nasibak sa kontensiyon.
Lumasap si Eala ng 2-6, 2-6 kabiguan sa kamay ng American netter na si Iva Jovic sa second round.
Dahil dito, sesentro na muna ang atensiyon ni Eala sa paghahanda para sa Berlin Open na lalahukan ng matitikas na netter sa mundo.
Nangunguna na sa listahan sina top seeds Aryna Sabalenka ng Belarus at reigning Australian Open champion Elena Rybakina ng Kazakhstan.
Kailangan ni Eala na magkaroon ng matikas na kampanya sa Berlin Open upang makasiguro ng seeding sa prestihiyosong Wimbledon Championship na gaganapin sa Hunyo 29 hanggang Hulyo 12.
Kasalukuyang hawak ni Eala ang No. 33 puwesto sa WTA ranking.
Tanging ang Top 32 players lamang sa WTA list ang magiging seeded players.
Kung mananatili si Eala sa naturang puwesto, malaki ang tsansa nitong maging seeded sa Wimbledon dahil awtomatikong mawawala sa main draw si Hailey Baptiste ng Amerika.
- Latest





















