^

Pang Movies

Melai, touched sa ginawa ni Kim!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Melai, touched sa ginawa ni Kim!
Kim at Melai

Labis-labis ang pasasalamat ni Melai Cantiveros kay Kim Chiu sa ginawa nitong pagtulong sa mga naapektuhan ng 7.8 magnitude na lindol sa General Santos City.

Sa kanyang Instagram Story, halatang touched na touched ang TV host/comedienne sa napakalaking naitulong ni Chinita Princess sa kanyang mga kababayan.

“Migaaaa thank you kaayu grabe kaaaaaaaaaa sa Help mu sa Gensan,” mensahe ng pasasalamat ni Melai kay Kim.

Nag-viral nga agad ang post ni Melai at puring-puri ng netizens si Kimmy sa tahimik nitong pagtulong na walang funfare, camera o publicity.

Aside from Kim, pinasalamatan din ni Melai sina Robi Domingo at Bianca Gonzalez na nagpaabot din ng tulong sa GenSan.

Matatandaang umapela ng tulong si Melai matapos yanigin ng malakas na lindol ang kanyang hometown nitong Lunes.

“In Jesus Name tanggalin nyu na Lord ang mga aftershocks and sana Lord makabangon ang Mindanao labi na ang Gensan Lord sa paglindol na itu. thank you sa lahat ng nangamusta sa pamilya ko, thank you Lord all safe sila and pra­ying for all families na safe din sila. 

“panawagan nadin po sa lahat ng gustu mag help need po ng more Tents sa mga hospitals namin dun,” ang post ni Melai noong Martes.

Bianca, emosyonal nang nahawakan ang baby brother

Naging emosyonal si Bianca Gonzalez nang makita niya ang newborn baby mag-asawang Robi Domingo at Maiqui Pineda.

Iflinex ng TV host sa Instagram ang pagbisita niya sa bahay ng kanyang co-host sa Pinoy Big Brother para dalawin ang bagong panganak na misis nito pati na rin ang kanyang future inaanak.

 Pag-amin niya, naging emosyonal daw siya na makita ang itinuturing niyang baby brother na may sarili na ring baby, gayundin sa pagiging strong ni Maiqui na nalampasan ang lahat ng challenges na pinagdaanan.

“I got a bit emotional seeing someone I have seen as my baby bro for sooo long, holding his own baby in his arms, as a proud new dad. and of course the super mama who powered through all the challenges in their journey,” sey niya.

“Love you @iamrobidomingo @maiqweeks and baby D!” mensahe pa niya sa mag-asawa.

Ikinuwento naman ni Robi sa kanyang IG Story na nagdala pa ng baby supplies si Bianca at nagpalit pa raw ng diaper ng kanilang baby.

Matatandaang last week ay ipinakilala ni Robi sa publiko ang first baby nila ni Maiqui na tinawag niyang “our newest housemate.”

KIM CHIU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with