Senado, naghigpit ng seguridad

Nakatanggap ng banta - Gatchalian…
MANILA, Philippines — Ibinunyag kahapon ni acting Senate President Sherwin Gatchalian ang impormasyon mula sa National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa umano’y banta sa seguridad sa loob at paligid ng Senado.
Ipinaalam ito sa kanya ni NBI Director Melvin Matibag ang naturang impormasyon sa mga sektor sa consultative meeting ng Blue Ribbon Committee noong Lunes.
Kaya’t makikipagpulong siya sa Senate Executive Committee, kabilang ang Sergeant-at-Arms, ngayong araw upang ipatupad ang mga kinakailangang hakbang para mapalakas ang seguridad sa Senado. Bukod sa pag-iinspeksiyon ng mga pumapasok na sasakyan, kinabitan din ng barbed wire sa gate ng Senado at security perimeter barriers sa may kalsada.
Hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye ang senador tungkol sa nasabing banta.
- Latest















