^

Dr. Love

Sino ang pipiliin?

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love, 

Tawagin nyo na lang po akong Nene. Sumulat po ako dahil gulong-gulo ang puso ko. May dalawa akong manliligaw na parehong malapit na sa puso ko at handa ko nang sagutin ang isa sa kanila—ang problema, hindi ako makapili.

Ang una ay si “Boy 1.” Subok ko na ang katapatan dahil matagal nang naghihintay. Sobrang maalaga siya at kampante ako kapag kasama ko siya. Ang ikalawa naman ay si “Boy 2.” Bago pa lang siya sa buhay ko pero napakabilis ng koneksyon namin. Puno ng saya at excitement kapag siya ang kasama ko.

Ayaw ko makasakit ng damdamin dahil pareho silang mabuting tao. Paano ko po ba malalaman kung sino sa kanila ang tamang piliin nang hindi ako magsisisi sa huli?

Nene

Dear Nene,

Normal lang na maguluhan kung parehong mabuti ang nagpapatibok ng puso mo. Ang isa ay nagbibigay ng seguridad, habang ang isa naman ay nagdadala ng excitement.

Para makapili ka nang tama, pagnilayan mo ito, sino ang subok na? Madaling magpa-kitang-gilas sa simula, pero mas matimbang ang nakasama mo na sa hirap at ginhawa.

Sino ang kasama mo sa hinaharap? Pumili ka batay sa kung sino ang may parehong pangarap at direksyon sa buhay na katulad ng sa iyo.

Tapatan ang puso. Kung talagang hindi ka makapili, baka ang totoo ay wala pa sa kanila ang “The One,” o kailangan mo lang ng mas mahabang panahon para makilala pa sila.

Huwag kang magmadali. Mas mabu-ting masaktan sila sa katotohanan ngayon kaysa patagalin mo ang pag-asa nilang dalawa. 

Ang piliin mo ay kung sino ang mas nagpapakita ng totoong pagmamahal at respeto sa iyo.

DR. LOVE

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with