TNVS driver tinodas ng pasahero
MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang TNVS driver nang holdapin at barilin ng kanyang pasahero, kamakalawa ng madaling araw sa Bagong Silang, Caloocan City.
Ang nasawing biktima ay kinilalang si Erick Robert Songco, 37, ng Mary Homes Subdivision, Caloocan City.
Agad namang naaresto sa isinagawang follow-up operation ang mga tauhan ng Caloocan City Police Sub Station 1 ang suspek na si alyas “Renan”, 32, sa San Jose del Monte, Bulacan.
Sa inisyal na imbestigasyon, isinakay ng biktima ang suspek at nang nasa kalagitnaan ng biyahe ay nagdeklara ito ng holdap.
Makikita sa video na nakikiusap ang biktima sa suspek na huwag siyang patayin hanggang sa humantong sa pamamaril ng suspek sa una at pagkatapos ay agad na tumakas ang huli.
Nahaharap sa kasong murder ang suspek.
- Latest






















