5 nagmanyak sa Columbian national, nadakip
MANILA, Philippines — Inaresto ng mga otoridad ang limang kalalakihan na umano ay nagsagawa ng kahalayan sa isang lalaki na Colombian national, sa Makati City, nitong Linggo.
Ang limang suspek ay nagkakaedad ng 18-24 na inireklamo ng isang 23-anyos ng lalaking turista na nanunuluyan sa Bonifacio Global City, Taguig, sa paglabag sa Republic Act 11313 (Safe Spaces Act).
Sa imbestigasyon, habang naglalakad ang biktima sa Kalayaan Street pasado alas-9:45 ng umaga ng Hunyo 7, nang hawakan siya ng mga suspek at pilit na isinasama.
Sa kabila ng pagtanggi ng biktima, pwersahan siyang hinalikan at pinaghahawakan ang maselang bahagi ng katawan dahilan upang humingi ng saklolo sa nagpapatrulyang mga tauhan ng Makati City Police Station.
Agad na nakaresponde ang pulisya, at alas-9:45 ng umaga ay naaresto na ang mga suspek.
- Latest



















