^

Punto Mo

EDITORYAL — pininsala ang mga mamamahayag

Pang-masa

TAHASAN at walang kagatul-gatol na sinabi ni Sen. Rodante Marcoleta kamakailan na “bayaran” ang mga mamamahayag. Sa gitna nang matinding bangayan sa pagitan ng mayorya at minorya, pinatunayan ng senador na handa niyang gamitin ang bulwagan ng Senado upang magpakalat ng mga walang-batayang paratang laban sa institusyong itinuturing na haligi ng demokrasya.

Ang ganitong iresponsableng retorika ay hindi lamang nakasisira sa kredibilidad ng Fourth Estate, kundi lantarang naglalagay sa panganib sa buhay at seguridad ng mga mamamahayag na ginagawa lamang ang kanilang tungkulin na mag-ulat nang walang takot o pabor.

Ang pagkondena mula sa Senate media, National Union of Journalists of the Philippines, National Press Club, at Foreign Correspondents’ Association of the Philippines ay patunay na hindi mananatiling tahimik ang press kapag ginagawa silang collateral damage sa mga pulitikal na sarswela.  Ayon nga sa Presidential Task Force on Media Security, ang mga ganitong malawakang akusasyon ay nagbubunsod ng poot ng publiko sa mga mamamahayag. Ang masakit pa rito, ibinato ni Marcoleta ang paratang sa isang kuwestiyonableng pagdinig na walang opisyal na sekretaryat at stenographer. Imbes na busisiin ang sariling kapalpakan at kredibilidad ng kanyang komite, mas pinili ng mambabatas na lasunin ang tiwala ng taumbayan sa mga mamamahayag.

Humingi naman ng paumanhin si Marcoleta nang mag-alsa ang buong media. Subalit “hilaw” ang paghingi ng paumanhin. “Hindi raw niya sinasadya” at dala lamang nang “matinding frustration,” kaya nasabi iyon. Lumabas ang tunay at mababaw na kulay ng kanyang galit.

Walang kinalaman ang media sa korapsyon; ang ikinasasama ng loob ng senador ay dahil hindi isinulat ng mga reporter ang kanyang pangalan nang magsalita siya sa isang rally noong nakaraang taon. Para sa isang opisyal ng pamahalaan, ang wasakin ang dangal ng mga mamamahayag dahil lamang sa hindi napagbigyang ego ay rurok ng kapangahasan at kawalan ng delikadesa.

Ang malayang pamamahayag ay hindi armas na puwedeng itutok ng mga pulitiko sa kanilang mga kalaban, at hindi rin ito tagapuri ng kanilang mga talumpati. Ang katapatan ng media ay nasa taumbayan, hindi sa paghimod sa ego ng mga mambabatas. Ang mabilis na pagbaliktad at paghingi ng tawad ni Marcoleta ay babala sa mga katulad niyang opisyal: ang katotohanan ay hindi kayang baluktutin ng takot, at ang nagkakaisang press ay hindi magiging busal ng kanilang mga personal na ambisyon at taktika. Nagkamali si Marcoleta sa walang batayang paratang sa mga mamamahayag. Hindi mapalalampas ang pagyurak niya sa mga mamamahayag.

RODANTE MARCOLETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with