Wemby, Spurs babawi sa Game 3
NEW YORK — Kumpiyansa si San Antonio Spurs star center Victor Wembanyama na makakabangon sila mula sa 0-2 pagkakalubog sa Knicks sa NBA Finals.
“I think the key is acceptance a lot of times, taking a step back, realizing all the journey that’s behind this and what’s ahead of this,” sabi ng 7-foot-4 na si Wembanyama.
Nakagawa ang 22-anyos na French center ng krusyal na turnover sa posesyon ng Spurs na nagresulta sa free throw ni Knicks guard Jalen Brunson sa huling 9.5 segundo.
Ang mintis na potential game-winning jumper ni Wembanyama sa panig ng Spurs ang sumelyo sa 105-104 panalo ng Knicks sa Game Two.
Sinabi ni San Antonio coach Mitch Johnson na kailangan nilang bumalik sa kanilang tunay na laro para makabawi sa New York sa Game Three ngayon.
Samantala, sinabi ni Brunson na kailangan pa nilang talunin ang San Antonio Spurs ng dalawang beses sa NBA Finals para makuha ang unang korona sapul noong 1973.
“I think playing better with the lead that we had, the 14-point lead,” sabi ni Brunson. “The way they fought back and took the lead is just a credit to how good they are.”
Ang tinutukoy ni Brunson ay ang pagtakas ng New York sa San Antonio sa Game Two ng kanilang best-of-seven championship series.
Sila ang ikatlong koponang nanalo ng dalawang sunod sa road games sa NBA Finals matapos ang Chicago Bulls noong 1993 at ang Houston Rockets noong 1995.
- Latest





















