^

PM Sports

Alas ibinalik sa porma ni Gagate

Elech Dawa - Pang-masa

CANDON CITY, Ilocos Sur — Ipinakita ni Thea Gagate ang kanyang tikas upang tulungan ang Alas Pilipinas sa comeback win kontra Kyrgyzstan, 25-9, 25-11, 25-17 sa Asian Volleyball Confederation (AVC) Women’s Volleyball Cup na nilaro sa Candon Arena kahapon dito. 

Nakipag-tulungan si 6-foot-2 middle blocker Gagate sa mga veteran players na sina Jovelyn Gonzaga, Alyssa Valdez at Ces Molina upang sikwatin ang pangalawang panalo sa tatlong laro sa Pool A .

Tumikada si Gagate ng 11 points mula sa walong attacks, dalawang blocks at isang service para sa Alas Pilipinas na may tsansa pang makapaosk sa semifinals sa event na suportado ng Philippine Sports Commission, FIVB, Volleyball World, AVC, POC at Candon City sa pamumuno ni Mayor Eric D. Singson.

Dahil sa panalo, nakabangon ang Alas Pilipinas mula sa five-set defeat kontra Australia, 22-25, 25-23, 25-18, 15-25, 11-15 noong Linggo ng hapon.

Inamin ni Gagate na pinag-aralan nila ‘yung mali sa laro nila nakaraan at nagbunga naman ito dahil dinomina nila ng todo ang Kyrgyzstan.

“Inisip namin yung lapses namin nakaraan tapos ginawan namin ng paraan para maibalik yung kumpiyansa namin,” ani Gagate. “Gusto ko rin ibigay yung best ko para makatulong sa team,”

Masayang  nasaksihan ni PSC chairman Patrick “Pato” Gregorio at Singson ang pagkakapanalo ng Alas Pilipinas sa Kyrgyzstan.

“Sana magtuluy-tuloy ang panalo ng national team natin, I know that we have a very crucial game tomorrow and kailangan makuha natin yung top two sa seeding.” pahayag ni Gregorio.

 Samantala, lumakas ang tsansa ng Kazakhstan na sumampa sa susunod na phase matapos kalusin ang Iran, 13-25, 25-20, 25-14, 25-19.

Malinis sa tatlong panalo ang Kazakhstan sa Pool B, una  nilang pinayuko sa opening day ang Hong Kong, 20-25, 25-17, 25-16, 25-13, sunod ang Indonesia, 25-19, 25-19, 25-19.

Nirehistro naman ng Hong Kong ang unang panalo matapos pagpagin ang Lebanon, 25-20, 25-8, 25-13.

VOLLEYBALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with