^

Police Metro

3 Pinoy workers, nasugatan sa Kuwaiti airport drone attack

Mer Layson - Pang-masa
3 Pinoy workers, nasugatan sa Kuwaiti airport drone attack
This video grab taken from UGC images posted on social media on June 3, 2026, appears to show damage at Kuwait's international airport following an attack. A Iranian drone strike on a passenger terminal in Kuwait's international airport killed one person and wounded 63 more on June 3, Kuwaiti officials said, as conflict escalated between Tehran and US forces in the Gulf.
AFP

MANILA, Philippines — Kinumpirma nitong Linggo ng Department of Migrant Workers (DMW) na tatlong overseas Pinoy workers ang nasugatan sa pag-atake sa Kuwait International Airport, kamakailan.

Sa ulat ng Kuwaiti state media, ang pag-atake ay naganap noong Hunyo 3, na ikinasawi ng isang Indian national at ikinasugat ng 63 indibiduwal, kabilang ang tatlong Pinoy.

Nabatid na ang dalawang Pinoy ay nilapatan ng lunas matapos na makalanghap ng usok habang ang ikatlo naman ay nagtamo ng sugat sa ulo at kamay na kinakailangan na tahian.

Pinayuhan din niya ang lahat ng OFWs sa nasabing bansa na manatili na lamang sa loob ng bahay at iwasan ang mga hindi kinakailangang pagbiyahe.

Matatandaang noong Hunyo 3, napilitan ang Kuwait International Airport na magsuspinde ng operasyon matapos ang naganap na drone at missile attack doon na nagresulta sa pagkapinsala ng ilang pasilidad sa paliparan.

Isinisisi ng Kuwaiti government ang naturang pag-atake sa bansang Iran.

DRONE

OFW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with