9 arestado sa P.5 milyong droga
MANILA, Philippines — Nadakip ng mga otoridad ang siyam katao kabilang ang limang babae sa isinagawang drug buy-bust operation ng PDEA Regional Office sa Brgy. Buhay na Tubig, Imus City, Cavite.
Kinilala ang mga suspek sa alyas “Michael”, “Elijah”, “Judiel”, “Jasper”, “Jimuelle”, “Bea,” “Richel”, “Mary”, at “Hanna”, pawang mga residente ng lugar.
Sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office IV-A, alas-8:15 ng gabi nang magkasa ng buy-bust sa lugar at naaresto ang mga suspek at nasamsam sa kanila ang nasa 181 piraso ng ecstasy capsules na may halagang P1,700 bawat isa na may kabuuang halaga na P307,700, mahigit kumulang sa 1 gramo ng shabu, 1 gramo ng cocaine valued, 50 milliliters ng liquid ecstasy, 10 vape cartridges na may mga liquid marijuana, 3 cellular phones at boodle money na ginamit sa operasyon. Kinasuhan na ang mga suspek.
- Latest















