^

Police Metro

206 OFW applicants, nasagip sa illegal at substandard na accommodation facilities

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasagip ng Department of Migrant Workers (DMW) ang 206 aplikante para sa Overseas Filipino Worker (OFW) mula sa mga ilegal at masikip na pasilidad sa Maynila at Imus, Cavite noong Hunyo 6, 2026.

Ang mga manggagawa na karamihang domestic worker papuntang Middle East ay pinilit magbayad ng hanggang P50,000 at pinagkaitan ng kalayaan.

Ang sabayang operasyon na isinagawa sa pangunguna ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo J. Cacdac.

Sa naturang bilang, 151 ang nasagip sa Maynila mula sa mga pasilidad na inu-operate ng Job Connections, TS Pizarro, at JPM88/AAV Talent Training and Management, habang ang 55 naman ay nasagip sa Imus City, Cavite mula sa akomodasyong inu-operate ng Samantha Manpower at Prime Goal.

Nag-ugat ang operasyon sa reklamong natanggap ng DMW na ilang recruitment agencies ang hinu-hold ang kanilang mga OFW applicants sa ‘overcrowded, poorly ventilated, at unsanitary facilities’ na accommodation facilities at nagde-demand ng P50,000 para sila ay makalabas.

Nadiskubre rin ng DMW na ang mga pasaporte at travel documents ng ilang aplikante ay iniipit ng mga ito habang ilan naman sa kanila ay nagsumbong na nakakaranas ng restricted movement, harassment at hindi otorisadong pangongolekta ng fees.

Ipinag-utos ni Cacdac ang paghahain ng mga kasong administratibo at kriminal laban sa mga naturang ahensiya at indibidwal na responsable sa naturang ilegalidad.

OFW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with