^

Police Metro

2 NPA rebels dedo sa engkuwentro

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Napaslang ang dalawang pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) nang makasagupa ang tropa ng mga sundalo sa bayan ng Goa, Camarines Sur, nitong Sabado ng umaga.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Jonathan Mendez, gumagamit ng mga alyas na “Ka Errol,” “Manuel” at “Nilo Caballero” alyas “Ka Richard”.

Sa ulat ni Brig. Gen. Emil Cruz, Commander ng Army’s 901st Infantry Brigade (IBde), alas-5:00 ng umaga nang makaengkuwentro ng mga tauhan ng Army’s 83rd Infantry Battalion (IB) ang grupo ng mga rebelde sa Brgy. San Isidro West ng bayang ito.

 Bago ito ay nakatanggap ng report ang militar sa presensya ng mga armadong rebelde na nangha-harass at nangingikil ng pagkain, alagang hayop at pera sa mga residente sa komunidad.

Rumesponde ang mga sundalo at nakasagupa ang mga rebelde kung saan ang putukan ay tumagal ng sampung minuto at napatay ang dalawa na inabandona ng mga nagsitakas ng mga kasamahan.

Narekober sa encounter site ang dalawang mga armas na kinabibila?gan ng isang M16 rifle at isang Galil Ace 22 rifle na naka-chamber sa isang 5.56 x45 MM caliber.

NPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with