Miguel Vera, nag-alsa balutan sa Amerika!

Nakagiliwan na naming panoorin itong Vibe ng TV5 tuwing Sabado ng gabi dahil sa isang segment nilang OG na kung saan ibinabalik nila ang mga dating performer, mga kilalang singer noon na may mga pinasikat na awitin na nire-revive na ngayon.
Aba! Nagulat kami nung Sabado ng gabi! Nagbabalik na pala rito ang magaling ding singer na nagpasikat ng kanyang Nais Ko na si Miguel Vera.
Kababalik lang niya ng bansa kasama ang kanyang pamilya at ang sabi ay dito na raw sila for good. Susubukan pa naming kapanayamin si Miguel kung bakit napagpasiyahan niyang bumalik dito at buhayin muli ang kanyang singing career.
Ang isa nga sa mga unang nag-react at nag-post sa kanyang social media ay si AiAi delas Alas.
Sabi niya sa kanyang post, “Napakahusay mo pa rin rin kumanta Papey wohoooo and Tatay ng aking mga anak… Ang papa ng children of the corn… welcome back sa Pilipinas Mr. Miguel Vera… more projects to come sana kinanta mo din yung NAIS KO… wohoo yun ang talagang og ay kamuka mo talaga si budang hehehe…”
Si Miguel nga ang ama ng tatlong anak ni AiAi, at masalimuot din noon ang kanilang relasyon. Pero naging okay na sila nung nasa Amerika si Miguel kasama ang kanyang pamilya.
Samantala, lalo kaming na-curious kung ano na ang mababago sa Vibe na nadamay sa intriga dahil kay Mr. Johnny Manahan. Naka-tape kasi ang Vibe nung Sabado, pero sa darating na Sabado ay live raw ito.
Napagtanungan ko ang ilang staff ng naturang show, wala pa raw silang alam kung ano na ang magaganap.
Nababasa na lang daw nila na magpapalit ng ibang executives, pero retained pa rin si Mr. M.
Pero ang alam namin sa tinanggal na sa naturang show ay siya pala talaga ang may ideya nitong Vibe.
Susubukan din naming tsikahin si Mr. M kung nandun siya sa live ng Vibe sa darating na Sabado.
Jennica, malaki ang naging investment sa therapist
Maganda rin ang samahan ng dating mag-asawang Jennica Garcia at Alwyn Uytingco, pagkatapos nilang maghiwalay ilang taon na ang nakaraan.
Sa nakaraang media conference ng pelikulang Behind The Smile, nai-connect ni Jun Lalin sa title ng pelikula ang pinagdaanan ng ilan sa mga artistang bahagi ng naturang pelikula.
Ano raw ba ang totoo behind their smile. Masaya raw ba talaga sila behind the smile?
Malalim ang hugot ni Jennica diyan dahil talagang mabigat din ang pinagdaanan niya noong naghiwalay sila ni Alwyn.
Noong nagbabalik daw siya sa pag-arte ay ‘yun ang panahong kahihiwalay lang nila ni Alwyn at halos isang taon din nilang sinikap na maayos alang-alang sa kanilang dalawang anak.
Ani Jennica, “Behind the smile, I was really broken inside. It’s just that, over time natutunan ko na rin na hindi mainam kung madaling mabasa sa mukha kung ano ‘yung tunay na kalagayan ng puso.
“Kasi, siyempre mas pag-uusapan, and when you are going through something. Kasi, hindi naman naging private ‘yung relationship namin ni Alwyn. So siyempre, ‘yung married life and then ‘yung pagkahiwalay din naming dalawa, siyempre naging public din siya dahil bumalik din ako sa pag-aartista.
“So definitely, during I think mga 2020 to 2021, ‘yun siguro... parang hindi ko naman masabi na nagpapakaplastik ako. It’s just that, if I do show what I truly feel inside, feeling ko hindi po ako makakapagtrabaho.
“Meron silang term na ‘fake it till you make it’ ‘di ba? Feeling ko naman po hindi ganun ‘yung ginawa ko. At ang ginawa ko lang, ‘pag lumabas na ako ng bahay, iniiwan ko na ‘yung tunay kong nararamdaman sa pinto. Para pagdating ko ng trabaho, kasado na po.”
Nung panahon na ‘yun ay ginagawa pa raw niya ang drama series sa GMA 7 kasama sina Yasmien Kurdi at Jason Abalos, ang Las Hermanas na talagang nadadala raw niya ang tunay niyang karanasan sa mga mabibigay na eksena.
“So minsan, hindi mo na siya intensyon, bigla siyang lalabas. Hindi siya nakakatulong e. Kasi siyempre, lumalabas na ‘yung tunay mong emotions. But the thing is, it’s not needed for that scene.
“You’re not Jennica in that scene. You’re not supposed to see Jennica in that scene,” dagdag niyang pahayag. Kaya nung panahong ‘yun ay sinubukan pa niyang magpa-therapy.
Sabi pa niya, “So, honestly hindi talaga siya nakakatulong. Kaya nung time na ‘yun, kailangan ko din po talagang mag-invest on therapy. Kasi before, medyo tinitipid ko ‘yung sarili ko sa therapy. Mahal kasi!
“Siyempre, kababalik mo pa lang sa industry ‘di ba? So, hindi ka pa naman talaga nakapag-ipon ng ganun kalaking halagang pera. Kahit na sabihin pong tatlong libo, malaking bagay ‘yun, Tito! Paano kung kailangan mong therapy three times a week? So nine thousand!
“Eventually, kailangan mo talagang gastusan ganyan. Pero siyempre, kailangan mong maghilom e.”
Ngayon ay okay raw sila bilang magulang sa kanilang mga anak. Kaya maingat siya sa mga pahayag niya pagdating kay Alwyn.
Ani Jennica, “Very careful po ako magsalita, kasi I really don’t want people to look at Alwyn in a negative light.
“Yes, something happened that ended our marriage. But honestly, feeling ko po meron din akong nagawa for him to come up with something that ended up hurting me deeply.
“So, ayoko nang igisa na parang nag-end ‘yung relationship dahil sa kanya ganyan, ganyan.
So parang hindi naman. But definitely, because we have two children, the goal talaga is to really save the marriage.
“Hindi naman siya something happened tapos, ayawan na. Hindi po siya ganun e. Parang something happened, we tried saving it for a year. But then, hindi na talaga siya maisalba.
“And I really thank him because he really tried. I tried as well. It’s just that, it wasn’t for us.
“I’m very happy that we’re co-parenting now. and he borrows our children, ganyan po.”
- Latest





















