^

PM Sports

Gin Kings umangat sa Game 3

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Gin Kings umangat sa Game 3
Bumanat ng tres si Barangay Ginebra guard RJ Abarrientos laban kay TNT big man Kelly Williams sa Game 3 ng PBA Commissioner’s Cup Finals.
PBA Image

MANILA, Philippines — Humakot si resident import Justin Brownlee ng 41 points, 7 rebounds, 7 assists at 3 steals para gabayan ang Barangay Ginebra sa 116-102 pag­lasing sa nagdedepensang TNT Tropang 5G sa Game Three ng Season 50 PBA Commissioner’s Cup Finals kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Bumangon ang Gin Kings mula sa naunang 94-101 kabiguan sa Game Two para agawin ang 2-1 bentahe sa kanilang best-of-seven championship series ng Tropang 5G.

Lalapit pa ang Ginebra sa kanilang ika-16 korona kung muling mananalo sa Game Four sa Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.

Binanderahan ni balik-import Chris McCullough ang TNT sa kanyang 44 markers at 13 boards, habang nalimitahan si Calvin Oftana sa dalawang marka matapos humataw ng 31 markers sa panalo nila sa Game Two.

Kinuha ng Gin Kings ang 22-point lead, 79-57, sa 3:05 minuto ng third period bago nakalapit ang Tropang 5G sa 89-96 sa 5:57 minuto ng fourth quarter.

Nagtuwang sina Brownlee, Abarrientos at Scottie Thompson para muling ilayo ang Ginebra sa 108-93 sa huling 2:08 minuto ng laro.

Samantala, hindi magiging madali para kay RJ Abarrientos ang masikwat ang parehong Best Player of the Conference at kampeonato para sa Barangay Ginebra.

Iyon ang inamin ng Gin Kings guard at sinabing paghihirapan niya ito matapos pakayurin nang husto ng reingning champion Talk ‘N Text sa kalagitnaan ng PBA Season 50 Commissioner’s Cup finals.

“Ganoon talaga. Kailangan ko lang i-embrace kung ano ‘yung binibigay sa akin ng TNT. I respect that kasi ganoon naman talaga sa series. Talagang maghahanapan ng butas at pahihirapan kahit sino namang players. Di lang sakin kundi sa halos lahat,” ani Abarrientos.

Si Abarrientos ang namumuro na maging BPC ngayong conference sa likod ng rehistrong 21.5 points, 3.6 rebounds, 5.1 assists at 1.2 steals at inaasa­hang parangalan sa Game 4 sa Miyerkules.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with