4 na korte itatayo sa Nueva Vizcaya
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Apat na sangay ng Municipal Trial Court (MTC) ang inaasahan na maitatayo sa apat na bayan ng lalawigang ito matapos itong makapasa sa Committee on Appropriations sa Kongreso bago ang itinakdang session break.
Ayon kay Nueva Vizcaya Congressman Tim Cayton, may akda sa House Bill no. 3948, ang mga lugar kung saan ilalagay ang mga sangay ng MTC ay sa mga bayan ng Alfonso Castañeda, Diadi, Quezon, at Sta. Fe.
Sinabi ni Cayton na bilang isang abogado ay batid niya ang agarang pangangailangan sa pagkatatag ng MTC sa mga nabanggit na bayan para sa mas mabilis at mas accessible na hustisya sa mga residente rito.
“Sa pamamagitan ng panukalang ito, mas mapapalapit ang serbisyong hudisyal sa ating mga kababayan mas mababawasan ang hirap sa pagbibiyahe, mas mapapadali ang paglapit sa korte para sa mga usaping legal at pagkamit ng katarungan,” pahayag ni Cayton.
- Latest

















