^

Probinsiya

Sirang dike sa 2 bayan sa Bulacan, tapusin na - Dizon

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Pinaalalahanan ni Public Works and Highways Secretary Vince Dizon ang mga bagong namumuno sa Bulacan 1st District Engineering Office at mga kontratista na tapusin lahat ng mga putol na dike partikular sa mga bayan ng Calumpit at Hagonoy bago matapos ang 2026.

Binigyang diin ng kalihim na sa direktiba ni Pangu­long Ferdinand R. Marcos Jr., na bagama’t patuloy na hinahabol ang mga dating opisyal ng kagawaran at mga kontratista na inaakusahan na kasabwat sa mga iregularidad sa mga proyektong flood control, hindi aniya dapat malimutan na kailangang tapusin ang mga proyektong iniwang nakatiwangwang.

Dahil sa hindi pagkakatapos ng mga dike na ang iba’y putol, butas, o talagang walang naipagawa, patuloy na binabaha ang mga Barangay ng Bulusan, Calizon, Sta. Lucia, at San Jose sa Calumpit dahil sa pagtaas ng tubig sa Pampanga River at high tide sa Manila Bay kahit sa panahon ng tag-araw.

Matatandaan na ang hindi tinapos na dike sa Barangay Bulusan ang unang proyektong flood control na binisita ni Pangulong Marcos Jr. matapos ang sunud-sunod na taon nang malawakang pagbabaha.

Nauna na ring nagsagawa ng inspeksyon si Dizon sa isang proyektong flood control sa Barangay Calizon sa nasabi ring bayan. Natuklasang ampaw o walang lamang kongkreto at kapos sa bakal ang ginawang dike rito, kaya’t iniutos na gibain iyon at palitan ng 15-metrong sheet pile na magsisilbing istraktura ng dike sa gilid ng Angat River.

VINCE DIZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with