^

Probinsiya

2 traffic enforcer itinumba ng tandem!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
2 traffic enforcer itinumba ng tandem!
Sinubukang isugod sa ospital ng mga bystander ang isa sa dalawang traffic enforcer na pinagbabaril ng riding-in-tandem habang naka-duty subalit kapwa idineklarang dead-on-arrival ang dalawa sa Mababang, Lanao del Sur nitong Huwebes.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Agad namatay sa mga tama ng bala ang dalawang kilalang municipal traffic enforcers na kasalukuyang naka-duty at nagmamando ng trapiko nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Campo Muslim, Malabang, Lanao del Sur nitong Huwebes.

Sa ulat ng mga local executives at ni Capt. Steffie Salanguit, spokesperson ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, parehong on-duty ang dalawang traffic enforcer na sina Samar Marohom at Jamael Talib sa isang bahagi ng highway sa Barangay Campo Muslim nang may lumapit sa kanilang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo at agad silang pinagbabaril ng .45 at 9 millimeter pistols.

Parehong na-idinekla­rang dead-on-arrival sina Marohom at Talib ng mga attending physicians sa Doctor Serapio Montañer Hospital sa Malabang kung saan sila dinala ng mga pulis at barangay officials upang malapatan sana ng lunas.

Ayon kay Salanguit at ng Lanao del Sur Provincial Police Office, may teorya na may kaugnayan sa mahigpit at masigasig na pagpapatupad ang dalawang biktima ng mga traffic ordinances sa kanilang bayan ang pagpaslang sa kanila.

Mabilis na nakatakas ang mga pumatay sa dalawang biktima gamit ang kanilang motorsiklong walang plaka, ayon kay Salanguit.

Nagtutulungan na ang mga local executives, Maranao community leaders at ang police investigators ng Malabang Municipal Police Station sa pagkilala sa mga pumatay kina Marohom at Talib upang masampahan ng kaukulang mga kaso.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with