Ytang pasikat sa panalo ng ALAS

CANDON CITY, Ilocos Sur, Philippines - Maliban sa mga veteran ng Alas Pilipinas, sinandalan din nila si Nina Ytang upang ikahon ang 25-16, 25-12, 25-14 panalo kontra sa Uzbekistan sa Asian Volleyball Confederation (AVC) Women’s Cup na nilaro sa Candon City Arena dito kahapon.
Pasiklab ang 24 anyos na middle blocker na si Ytang sa kanyang national team debut nang ilista nito ang impresibong 12 points mula sa walong attacks at apat na blocks.
Kaya naman bumilib si Alas Pilipinas head coach Shaq Delos Santos sa ipinakitang performance ni Ytang sa event na suportado ng Philippine Sports Commission, (PSC), FIVB, AVC, Volleyball World at Candon City na pinangunahan ni Mayor Eric Singson.
“Happy kami kasi alam namin ‘yung kayang magawa ni Ytang at sobrang nakakatuwa kasi siyempre, international tong tournament na to and excited din siya maglaro eh.” ani Delos Santos.
Para sa mga beteranang si Alyssa Valdez, Ces Molina at Jovelyn Gonzaga, pinatunayan nilang kalabaw lang ang tumatanda ng masilayan ang kanilang husay at determinasyon para akbayan ang Alas Pilipinas na nilista ang 1-0 karta sa Pool A.
Kumana si Valdez ng game-high 14 markers mula sa 11 attacks, dalawang blocks at isang service ace, nag-ambag sina Gonzaga at Molina ng 12 at 11 points, ayon sa pagkakasunod.
“Napakasaya sa pakiramdam, we never really thought na we’re gonna go back here together,” ani team captain Valdez.
Tumikada si Malikakhon Tursunpulatova ng 10 points para sa Uzbekistan kasama ang eight excellent digs habang anim ang binira ni Zebokhon Absamatova. (
- Latest






















