^

PM Sports

Spurs tumukod sa Knicks sa Game 2

Pang-masa
Spurs tumukod sa Knicks sa Game 2
Jalen Brunson
Gregory Shamus / Getty Images / AFP

SAN ANTONIO -- Inilusot ng New York Knicks ang dramatikong 105-104 panalo laban sa Spurs sa Game 2 para ilista ang 2-0 lead sa NBA Finals.

Ipinasok ni point guard Jalen Brunson ang isang free throw sa huling 9.5 segundo matapos ang krusyal na turnover ni San Antonio center Victor Wembanyama para sa ikalawang sunod na panalo ng New York sa kanilang best-of-seven championship series.

Matapos ang free throw ni Brunson para sa Knicks ay naimintis ng 7-foot-4 na si Wembanyama ang kanyang jumper sa posesyon ng Spurs sa pagtunog ng final buzzer.

Kumolekta si Karl-Anthony Towns ng 21 points at 13 rebounds at umiskor sina Brunson at Mikal Bridges ng tig-20 markers para sa ika-13 sunod na ratsada ng New York sa playoff games.

Ito ang second-longest streak ng anumang koponan sa NBA playoff history.

“New York City sho­wed up,” ani Towns. “The fans showed up. The e­nergy showed up. And we found a way to get it done.”

Sila rin ang pangatlong koponan na naipanalo ang unang dalawang laro sa NBA Finals sa road games matapos si Michael Jordan at ang Chicago Bulls noong 1993 at si Hakeem Olajuwon at ang Houston Rockets noong 1995.

Parehong dumiretso sa paghahari ang Bulls at Rockets.

Target ng Knicks ang kanilang unang korona matapos noong 1973 at pangatlo sa kabuuan.

Tumapos si Wembanyama na may 29 points para sa Spurs.

Idaraos ang Game 3 sa New York sa Madison Square Garden sa Martes.

Rumesbak ang Spurs mula sa isang 14-point deficit sa fourth period para agawin ang 104-102 abante sa huling 57 segundo mula sa nakumpletong three-point play ni Wembanyama.

Itinabla ni Brunson ang Knicks sa 104-104.

Nagkaroon ng turnover si Wembanyama sa bola ng San Antonio na nagresulta sa free throw ni Brunson para sa 105-104 bentahe ng New York sa huling 9.5 segundo.

KNICKS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with