Heart, aminadong generous sa lalaki!

May pa-blind item si Heart Evangelista tungkol sa ex-boyfriend niya na ginawa raw siyang sugar mommy.
Sa guesting ng aktres/global fashion icon sa Fast Talk with Boy Abunda nitong nakaraang Biyernes ay natanong nga siya ni King of Talk kung gumastos na ba siya sa lalaki.
“Lagi akong gumagastos,” natatawang sabi ni Heart.
“Sira ako sa lalaki,” dagdag pa niya.
Pero paliwanag naman ni Heart, “That’s my language of love. That’s always been my language of love.”
She added, “I’m very, very giving. I’m very generous.”
‘Yun nga lang, sa sobrang generous niya ay may naging boyfriend siya na tila ginawa siyang sugar mommy.
“But I did have one boyfriend that I felt he was not too [proper]... I didn’t like. There was something that left a bad taste in my mouth,” pagtatapat ng Kapuso actress.
Isa lang naman daw ito at hindi raw niya sasabihin kung sino.
“Na parang I felt like, okay, this is... I feel like I’m a sugar mommy na, parang ganyan,” kwento niya.
“But other than that, I’m like that with friends, with everybody. I like to... that’s my language of love especially with guys,” dagdag pa niya.
Humingi ng clue si Kuya Boy kung sino ang ex-boyfriend niyang ito at natatawang sey ni Heart, “they’re all good-looking.”
Sey pa niya about the guy, “mabait naman, baka kailangan lang talaga niya ng extra help.”
Kaye, nagpa-ink ng pink!
Nagpalagay si Kaye Abad ng pink ribbon tattoo bilang pagdiriwang ng Cancer Survivors Month ngayong Hunyo.
Sa Instagram, ibinahagi ng tattoo studio na 032 Tattoo ang mga larawan at video clip ng aktres habang nagpapalagay ng pink ribbon tattoo sa kanang bahagi ng kanyang tagiliran.
Ang pink ribbon ay pandaigdigang simbolo ng kamalayan at suporta para sa laban kontra breast cancer.
Ang pink ribbon ay ginagamit na simbolo worldwide for Breast Cancer Awareness.
Sa caption ay nagpasalamat ang tattoo studio kay Kaye at sa mister nitong si Paul Jake Castillo.
“So grateful to do this tattoo. This ribbon stands for the quiet battles and victories of a cancer survivor. Thank you, @pauljake_castillo & @kaye_abad , for trusting me and @032_tattoo,” mensahe ng tattoo studio owner.
Matatandaang kamakailan ay ibinahagi ni Kaye ang kanyang journey sa pakikipaglaban sa breast cancer na kanyang napagtagumpayan dahil matapos magpagamot sa Singapore, cancer-free na ang aktres ngayon.
- Latest




















