^

Pang Movies

Carmina, kapamilya na ulit!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Carmina, kapamilya na ulit!
Carmina Villarroel
STAR/ File

Parang kumpirmasyon na kasali sa cast ng The Loyalty Game si Carmina Villarroel dahil sa quotation post niya tungkol sa tiwala na “Trust becomes expensive when everyone’s desperate.”

Pang-loyalty ang quotation at nauna rito, nag-post din siya ng quotation tungkol naman sa red flag si Janine Gutierrez at ang sabi, “Maybe the red flags weren’t that subtle.”

Post naman ni Sofia Andres, “literal na walking Red Flag ka,” post naman ni Kira Balinger, “Tama talaga lagi yung kutob ko” at post ni Maika Rivera, “Sinira mo ang tiwala ko.”

Si Janine at ang tatlong Kapamilya aktres ay magkakasama sa nabanggit na series at nabalita na kasama nila sina Jennica Garcia, Elisse Joson, Yen Santos at Yassi Pressman at si Carmina nga.

Balik-Kapamilya si Carmina sa suspense series na ito ng ABS-CBN at Star Creatives na pinagbibidahan din ni Jericho Rosales. Ang tagal ni Carmina sa GMA 7 at ang last series niya sa Kapuso ay ang Hating Kapatid with Zoren Legaspi and their twins Mavy and Cassy Legaspi.

Hindi malinaw kung may kontrata pa sa GMA si Carmina o kung nagpaalam siya na lilipat muna sa ABS-CBN.

Rico, nag-aaral pa ang bagong gf

Spotted sa isang mall si Rico Blanco na may kasamang girl. Nakunan sila ng video and in fairness, tumingin at ngumiti si Rico nang tawagin ang kanyang pangalan ng kumukuha ng video.

Hindi lang nakita ang face ng girl dahil natakpan siya ni Rico at sa isang anggulo naman, likod lang nila ang nakunan ng camera. Comment ng mga nakapanood sa video, likod at tagiliran pa lang ng girl, parang maganda na.

Anyway, may nag-share ng info na FEU student si girl at taga-Bustos, Bulacan.

Arci, naka-jackpot sa bokalista ng script

Ang daming napa-“sana ol” nang mapanood ang reels ni Ramona Thornes o si Arci Muñoz na kasama at nagsasayaw si Danny O’ Donoghue, ang lead voca­list ng The Script. Hindi nabanggit ni Arci kung saan niya nakita si Danny na nasa bansa kamakailan to promote his new single at ang concert ng The Script next year.

Aliw ang caption ni Arci na “Di nya alam pinasok nya. Sorry!” at aliw rin ang comments ng netizen na “Hahahaha he has no idea what’s happening” at sagot ni Arci, “Kaya nga. Hiya ako kay Kuya!!! G na G naman!!! Sobra cool.”

In fairness, prinomote ni Arci ang concert ng The Script at ang mas nagpa-cute sa reels ay ang heart sign nilang dalawa towards the end of the video.

CARMINA VILLARROEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with