Kris, hinandaan ang birthday ni Joshua!

Sa gitna ng pakikipaglaban ni Kris Aquino sa kanyang autoimmune diseases, ginampanan pa rin niya ang kanyang ‘mommy duties’ at binigyan ng intimate birthday party ang kanyang panganay na anak na si Joshua.
Ibinahagi ng Queen of All Media ang mga kaganapan sa 31st birthday ni Josh sa kanyang Instagram page with a heartwarming tribute sa kanyang firstborn.
Makikita nga rin sa mga larawan na mukhang maganda ang kondisyon ng kalusugan ni Kris. Nag-gain ng weight si Kris at pati ang kulay ng kanyang skin ngayon ay maganda rin.
Sa caption, sinabi ni Kris kung paano rin siya natutulungan ni Josh sa kanyang sakit in his own little way.
“Happy Birthday Kuya Josh! Had i not been yours and Bimb’s mama, i wouldn’t have the courage and the purpose to continue with my treatments,” simul ani Kris.
Kwento niya, bukod sa bunsong anak na si Bimby, nandiyan din daw si Joshua para saluhin siya kapag natutumba siya dahil sa panghihina ng kanyang tuhod.
“The day to day pain in my joints caused by Rheumatoid Arthritis would be so unbearable except for the fact that when my legs give up and I’m about to take a tumble, you and bimb have developed this 6th sense and are there to catch me,” sey ni Tetay.
Si Joshua rin daw ang tumutulong sa kanya na bumangon at pumunta sa salas para panoorin ang kanilang paboritong TV shows.
“Thank you kuya for your encouragement to get me out of bed as you lead me outside to the living room to watch our favorite shows. You’re the only one who has the power to get me moving,” pagmamalaki ni Kris.
Dasal niya na isang araw ay lumakas na siya at masamahan si Joshua sa daily walk nito.
“My wish is to one day be able to join you for your daily 7000 to 10,000 steps. You are my inspiration. I love you very much…” mensahe ni Krisy sa kanyang panganay.
- Latest

























