Alex target ang semis spot sa Birmingham Open

MANILA, Philippines — Haharapin ni Pinay tennis sensation Alex Eala si Southeast Asian bet Manangchaya Sawangkaew ng Thailand sa quarterfinals ng WTA125 Lexus Birmingham Open.
Hinataw ni Eala ang 6-2, 7-5 panalo laban kay Alina Charaeva ng Russia sa second round ng torneo sa England kamakalawa ng gabi.
Nauna nang nasibak si Eala sa third round sa clay court sa Italian Open.
“There’s some getting used to as England also has a particular weather,” wika ni Eala na target ang semifinal ticket laban kay Sawangkaew ng Thailand habang isinusulat ito kagabi.
Kumpiyansa si Eala, ang WTA No. 37 player at ang top seed sa nasabing 125-level Birmingham tour, na muli niyang tatalunin ang WTA No. 173 at unseeded na si Sawangkaew.
Winalis ng Pinay netter ang Thai bet, 6-1, 6-2, sa finals ng 33rd Southeast Asian Games para angkinin ang gold medal.
Ang panalo ni Eala ang mag-aayos sa kanilang semis match ng mananalo sa quarterfinals duel nina Rebeka Masarova (WTA No. 132) ng Switzerland at Mary Stoiana (WTA No. 146) ng USA.
Huling nakapasok si Eala sa semis ng WTA Tour noong Enero sa WTA 250 ASB Classic sa Auckland, New Zealand.
“I’m pleased with my attitude. I was definitely in a tough spot in the second set but I’m most proud that I stayed in there, followed my intensity again and ultimately gave myself another chance to do better tomorrow,” ani Eala.
Bago talunin si Charaeva ay dinomina muna ni Eala si WTA No. 143 Priscilla Hon ng Australia sa iskor na 6-0, 6-2.
- Latest





















