^

Probinsiya

Konsehal Noel Atienza, pumanaw

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

OLONGAPO CITY  Philippines — Nagluluksa ang Lungsod ng Olongapo sa pagpanaw ni Councilor Noel Yabut Atienza, isang kilalang abogado ng masa, lingkod-bayan, at kaibigang kinagigiliwan ng marami dahil sa kanyang pagiging palabiro, mapagkumbaba, at laging handang tumulong sa nangangailangan.

Si Atienza ay pumanaw noong Mayo 31, 2026 sa edad na 59. Siya ay naglaan ng mala­king bahagi ng kanyang buhay sa paglilingkod sa publiko at pagtatanggol sa karapatan ng mga ordinaryong mamamayan.

Sa kanyang panunungkulan bilang isang konsehal at abogado, nakilala si Atienza bilang “abogado ng masa” dahil sa kanyang malasakit sa mga mahihirap at sa mga taong nangangailangan ng payong legal.

Bukod sa kanyang dedikasyon sa serbisyo publiko, minahal din siya ng mga Olongapeño dahil sa kanyang masayahing personalidad. Ang kanyang mga biro, simpleng pakikitungo, at kakayahang magbigay ng ngiti sa gitna ng mabibigat na usapin ay nagbigay sa kanya ng natatanging lugar sa puso ng marami.

Naulila niya ang kanyang maybahay na si Charity, isang guro, at ang kanilang anak na si Jono.

ATIENZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with