^

Dr. Love

Maitatama pa ba ang mali?

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin n’yo na lang po akong Renz. Kasalukuyang nagdidilim ang apat na taong relasyon namin ng girlfriend ko, at mukhang papunta na kami sa hiwalayan.

Ang tanong ko lang po, bakit kung kailan bibitaw na siya, roon ko lang na-realize ang lahat ng pagkukulang ko?

Noong nandiyan pa siya, binabalewala ko ang mga iyak at reklamo niya na wala akong oras. Pakiramdam ko kasi hindi niya ako maiiwan. Ngayong pagod na siya at tuluyan nang lumalayo, roon ko gustong bumawi at magbago.

Bakit kailangan muna nating maramdaman ang takot na mawala ang isang tao bago natin ma-appreciate ang halaga niya?

May pag-asa pa bang itama ang mali kung sumuko na ang puso niya?

Renz

Dear Renz,

Isang masakit na katotohanan sa buhay ang pinagdaraanan mo ngayon. Madalas, natututo lang tayong magpahalaga kapag may hawak na tayong kawalan.

Bakit kung kailan huli na, roon mo lang na-realize? Dahil naging “comfort zone” mo ang presensya niya. Akala mo ang pag-ibig ay parang gamit sa bahay na kahit iwan mo, pagbalik mo ay nandoon pa rin.

Nakalimutan mong ang relasyon ay parang halaman—kapag pinabayaan mo sa tag-tuyot, unti-unting namamatay ang mga ugat niyan hanggang sa tuluyang malanta.  Ang takot na mawalan ang gumising sa natutulog mong konsensya, hindi ang biglaang pagbabago ng puso mo.

May pag-asa pa ba? Renz, ang focus mo ngayon ay dapat nasa kanya, hindi sa nararamdaman mong pagsisisi.  Kung hihingi ka ng tawad at pagkakataon, gawin mo nang walang pilitan. Ipakita mo ang pagbabago sa gawa, hindi sa salita lang, pero ihanda mo rin ang sarili mo sa katotohanan na baka ang hinihingi mong pagkakataon ay hindi na para sa rela-syon ninyo, kundi para maging mas mabuting tao ka sa susunod na yugto ng buhay mo.

Ang tunay na pagsisisi ay hindi lang para ibalik ang nawala, kundi para siguraduhing hindi mo na uulitin ang pagkakamali mo sa oras na maging bukas ka nang muli sa pag-ibig.

DR. LOVE

RENZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with