Pepito-Belen reunion sa Solar Spikers

MANILA, Philippines — Maituturing na reunion ang muling pagsasama nina 2026 PVL Rookie Draft No. 2 overall pick Detdet Pepito at star spiker Bella Belen sa Capital1 Solar Energy.
Naging teammates kasi sina Pepito at Belen sa Lucas Pascual Memorial Elementary School sa Quezon City.
At nang mag-college ay naglaro si Pepito sa University of Santo Tomas Glowing Tigresses sa UAAP.
Si Belen ay nagsuot ng jersey ng National University Lady Bulldogs na nabigyan niya ng tatlong UAAP championships.
“Masaya lang ako na nabigyan kami ng pagkakataon na maging teammates ulit,” sabi ni Belen kay Pepito na isang two-time UAAP Best Libero awardee.
Idinagdag pa ni Belen na malaki ang maitutulong ni Pepito sa kampanya ng Solar Spikers sa darating na 2026 PVL On Tour.
“Alam ko naman kung ano iyong kakayahan ni Detdet and alam kong marami siyang maitutulong sa team,” dagdag ng PVL Rookie of the Year.
Bukod kay Belen, makakasama rin ni Pepito sa Capital1 sina veterans Vanie Gandler at Erika Santos.
Sina Gandler at Santos ay nagmula sa Cignal.
Hinugot din ng Capital1 sa PVL Draft si No. 8 pick Khy Cepeda ng University of the East Lady Warriors.
- Latest

















