Big moment
Parehong sumusubok na magpadehado sina coaches Tim Cone at Chot Reyes. Pero kita naman, na parehong handa sa laban.
At kung basehan ang Game 1, nakikita ang grind-out, test-of-will battle – malamang sa kabuuan ng TNT-Barangay Ginebra series para sa PBA Season 50 Commissioner’s Cup crown.
Umalagwa ng 18 points ang Ginebra pero bumalik ang TNT sa labanan na nauwi sa last-possession battle noong series kickoff.
Swak ang fade-away jumper ni Justin Brownlee, at walang tawag sa alley-oop play ng TNT sa final buzzer. Kaya’t ibinulsa ng Gin Kings ang 102-100 thriller at ang 1-0 lead tungo sa Game 2 ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Kung mahina ang iyong puso, hindi para sa iyo ang serye na ito.
Buong-buo ang loob ni RJ Abarrientos. Wala nang katanungan sa kakayahan ni Justin Brownlee. Silang dalawa ang bumuhat sa Ginebra sa kanilang Game 1 escape.
Pangarap ng lahat ang ganitong pagkakataon. Malaking entablado, malalaking tira, matinding pressure.
Ang katanungan ay sino ang may mas malaking puso? Sino ang mas matibay ang dibdib? Sino ang mas buo ang loob?
Syempre, susi rin ang adjustment. Kailangang ayusin ng Ginebra ang fourth-quarter execution matapos matalo, 28-23 sa payoff quarter noong Miyerkules.
Ang TNT, kailangang pigilan si Abarrientos at hanapan ng sagot si Brownlee sa dulo. Solid naman sina Chris McCullough, RR Pogoy, Rey Nambatac at Calvin Oftana. Pero kailangan nila nang pantapos.
Biyernes ulit sa Big Dome. Isa pang thriller. Isa pang tsansa sa legacy. Ang tanong: Para kanino ito?
- Latest



















