Ellen, John Lloyd at Isabel, nilalasap naman ang Bora!

Consistent ang closeness ng mag-ex na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.
Muli nga silang nakitang magkasama with John Lloyd’s girlfriend Isabel Santos, na nilalasap ang Boracay kasama ang anak nilang si Elias.
Nasa Instagram stories ni Ellen na nasa private boat sila at naglalakbay sa isla.
Ipinakita rin ni Ellen ang kanilang pagkain sa restaurant ng isang resort.
Hulaan mo kung sino ang nandito? naririnig na boses ng aktres bago itinutok ang kamera kina Isabel at John Lloyd na nasa tabi niya at kumaway sa kamera.
Hindi pa natatagalan nang mag-Palawan din sila.
Ang comment ng netizens, ang yaman ni John Lloyd. Kahit walang masyadong trabaho pero living in lifestyle.
Sa mga painting daw ang investment ni John Lloyd at ang dami raw talaga nitong ipon, kaya kahit walang showbiz work, pero ayan at ini-enjoy ang buhay habang nagkakagulo ang bayan.
- Latest

























