^

PSN Showbiz

Cesar, ‘di naiisip na mag-retire!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Cesar, ‘di naiisip na mag-retire!
Cesar Montano

Marami ang nakapapansin na tila walang nagbabago sa pisikal na kaanyuan ni Cesar Montano.

Mayroong mga sikreto ang aktor kaya napananatili pa ring matikas ang pangangatawan.

“Well, exercise and diet. I stay away from meat. Kung may makakain na fish or puro gulay lang, prutas lang, okay sa akin ‘yon. You eat a little, you live longer. Kalmado as in relaxed, walang stress. Nandoon pa rin ‘yung passion sa ginagawa mo. I paint, I write, I sing a lot. Umaga, word of God, you worship the Lord. Gabi, bago matulog gano’n pa rin. I learned ang worry, hindi talaga itinuro sa atin ng Diyos,” pagbabahagi sa amin ni Cesar sa Fast Talk with Boy Abunda.

Kahit mahigit apat na dekada nang aktibo sa show business ay hindi umano sumasagi sa isipan ng aktor ang pagreretiro. “Hindi ko iniisip na mag-retire. Ang pagreretiro kasi ay pagtigil ng paggawa ng bagay na minamahal mo. Ang paggawa ng pelikula is very close to my heart. Hanggang ngayon gusto ko pa ring gumawa ng pelikula. Actually, may sinusulat kami, may inaayos kaming pelikula, istorya ngayon to pitch it soon. Magandang pelikula ‘yon, excited ako do’n. it makes my everyday life excited. To retire, to stop my passion, no,” giit niya.

Isa rin sa mga dahilan kaya maganda ang awra ni Cesar ay ang kanyang buhay pag-ibig. Masaya ang aktor sa piling ng kasintahang si Kath Angeles. “Pagdating sa puso, dapat hindi mo ginugulo ‘yung pag-ibig. Hindi ka magku-complicate para lagi kang kalmado. You’re talking about peace, commitment. Kasi ang ibig sabihin po ng love talaga is commitment. It is not a feeling. Dapat maging natural ka kung paano mo ipapakita, kung paano ka niya minahal. Kasi hindi ka niya mamahalin, hindi ka niya magugustuhan kung wala siyang nakitang mabuti sa ‘yo. It’s a matter of enjoying each other’s company. It’s not finding the right person, actually. It’s being the right person,” makahulugang pagbabahagi ng aktor at direktor.

Magkasundung-magkasundo ang dating asawang si Sunshine Cruz at ang nobya ngayon ni Cesar. Nagkikita at nagkakasama ang dalawa kapag mayroong mga okasyon. “Actually, through prayers. Tinatanong ako eh, ‘Paano mo ginawa ‘yon?’ ‘Di ko naman masabing, ‘Kasi cute ako eh.’ Being honest to yourself and being honest to other people na ka-engage mo or kakilala mo. Even to your friends, ‘Ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama nang maluwat,” nakangiting pahayag ni Cesar.

Samantala, napapanood na ngayon sa mga sinehan ang digitally remastered film na Muro-Ami. Matatandaang pumatok sa takilya noong 1999 ang naturang pelikulang pinagbidahan ni Cesar. Humakot din ng pinakamaraming parangal ang Muro-Ami sa Metro Manila Film Festival 1999. “Kakaibang pelikula po ito, lalo na ngayon ‘yung young generation panoorin n’yo ito. This movie was made 26 years ago, written by National Artist (for Film and Broadcast Arts) Ricky Lee and Jun Lana and directed by National Artist (for Film and Broadcast Arts) Marilou Diaz-Abaya,” pagtatapos ng aktor. — Reports from JCC

CESAR MONTANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with