^

PSN Showbiz

Peabo, dalawang beses na-stroke bago pumanaw

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Peabo, dalawang beses na-stroke bago pumanaw
Peabo Bryson

Pumanaw na ang legendary American singer-songwriter, a two-time Grammy winner na si Peabo Bryson, na nakapaghatid ng napakaraming classic hits (both solo, duets and collaborations) nung gabi ng June 2, 2026 sa isang pagamutan sa Ma­rietta, Georgia, USA dalawang araw matapos siyang ma-stroke nung nakaraang May 31, 2026. He was 75.

Si Peabo ay Robert Peapo Bryson sa tunay na buhay at isinilang sa Greenville, South Carolina, USA nung April 13, 1951.

Iniwan niya ang kanyang second wife of 16 years na si Tanya Boniface at isa nilang young son. Meron ding adult daughter ang yumaong singer sa dating karelasyon at tatlong apo.

Unang na-stroke si Peabo nung 2019 pero siya’y naka-recover.

Bago ang kanyang second marriage, twice na-engage ang singer-songwriter kina Jennifer Leonard (dating misis ng popular boxer na si Sugar Ray Leonard) at si Angela Thigpen, dating Miss Virginia-turned model-actress.

Nang muling ma-stroke si Peabo nung nakaraang linggo, May 31, ay agad siyang dinalaw ng kaibigang singer na si Regina Belle at inawit nito nang pabulong kay Peabo ang A Whole New World at Total Praise at nalulungkot siya (Regina Belle) na hindi na niya ito muling makaka-duet sa mga awiting kanilang ni-record at parehong pinasikat.

Si Peabo ay hindi lamang malaking kawalan sa American music industry kundi maging ng buong mundo na inabot ng kanyang napakara­ming classic hits.

PEABO BRYSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with