^

Police Metro

PhilHealth sa publiko: Mag-ingat sa pekeng text blasts

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagbigay ng babala ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa publiko laban sa mga kumakalat na mapanlinlang na text messages at isang hindi otorisadong website na idinisenyo upang magnakaw ng personal at financial data ng mga miyembro.

Sa inilabas na advisory ng PhilHealth at inimpormahan ang  kanilang regional offices publiko hinggil sa kahina-hinalang  SMS o text blasts na nagdidirekta sa mga recipients nito sa isang pekeng website na siya namang nag-uutos sa users upang i-update ang kanilang “health insurance identification information.”

Hinikayat nito ang lahat ng miyembro at stakeholders na huwag mag-click ng mga kahina-hinalang link, at huwag magbigay ng personal data, o magbahagi ng confidential information.

Pinayuhan din nito ang publiko na palaging beripikahin ang ­authenticity ng anumang komunikasyon, sa pamamagitan ng kanilang official channels bago gumawa ng anumang aksiyon.

PHILHEALTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with