DOJ may sariling imbestigasyon sa Bato eskapo
MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Department of Justice (DOJ) spokesperson Polo Martinez na may hiwalay na imbestigasyon na isinasagawa ang DOJ sa obstruction of justice complaint laban sa mga sangkot na personalidad sa naganap na pag-alis o eskapo ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.
Ito ang nilinaw ni Martinez sa gitna ng hiwalay na obstruction of justice complaint sa Office of the Ombudsman ng Tindig Pilipinas laban kina Senate President Alan Peter Cayetano, Sen. Robin Padilla at dating Senate Sergeant-at-Arms chief Mao Aplasca, patuloy pa ang imbestigasyon ng DOJ.
Aniya, bukas ang panel of prosecutors sa pagtanggap ng anumang ebidensya na makatutulong sa kanilang imbestigasyon.
Ibabatay ang findings ng DOJ sa independent assessment ng mga nakalap na ebidensya sa proseso ng imbestigasyon.
- Latest



















