Abarrientos namumuro sa BPC award

MANILA, Philippines — Lalong namuro sa Best Player of the Conference award si RJ Abarrientos ng Barangay Ginebra matapos itanghal na PBA Press Corps Player of the Week papasok sa inaabangang finals ng PBA Season 50 Commissioner’s Cup.
Kumamada ng 23 puntos, 6 assists a 4.2 rebounds sahog pa ang 3 steals sa 3 laro ng semifinals noong nakaraang linggo kontra sa palabang Rain or Shine tampok ang 4-2 sereis win ng Gin Kings upang makabalik sa finals.
Nagkasya lang sa 8 puntos si Abarrientos sa Game 4 kung saan tumaob ang Ginebra sa 97-85 kabiguan subalit nagliyab sa huling 2 laro lalo na sa 118-107 Game 6 panalo nila sa likod ng kanyang 30 puntos, 6 rebounds, 7 assists at 3 steals.
Pumukol din siya ng 31 puntos, 8 assists, 4 rebounds at 2 steals sa 111-104 panalo nila sa Game 5.
“His determination was just amazing. You could see it. I saw it in the locker room before the game. I can see it even yesterday during our film meeting. He just had it on his face and his body language that he is going to come out and have a big game,” ani head coach Tim Cone sa kanyang pambatong point guard.
Ginapi ni Abarrientos para sa lingguhang parangal ng online at print media na regular na sumusubaybay sa PBA beat si Jordan Heading na dinala rin sa finals ang Talk ‘N Text matapos ang 4-2 series win kontra sa Meralco.
Sa kabuuan, nagrerehistro si Abarrientos ng 21.5 points, 3.6 rebounds, 5.1 assists, and 1.2 steals kada laro ngayong conference upang maging paborito sa BPC award.
Subalit hindi ito ang asinta ni Abarrientos kundi ang una niyang kampeonato sa PBA simula sa Game 1 as of press time kontra sa reigning champion na TNT sa Smart-Araneta Coliseum. ‘
“Siyempre, individual award dyan. Wala akong ine-expect dyan. So, kung ano man iyon. Bonus lang yun,” ani Abarrientos.
- Latest


















