^

PM Sports

Rapido markado sa Hopeful stake race

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Maganda ang ipina­kitang performance ng Rapido sa nakaraan nitong takbo kaya asahang markado ito ng mga karerista paglarga ng 2026 PHILRACOM “2nd Leg Hopeful Stakes Race” sa Hunyo 14 sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City Batnagas.

Gagabayan ni reigning Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Jonathan basco Hernandez, makakatagisan ng bilis ng Rapido ang apat na dekalidad na batang kabayo sa distan­syang 1,800 meter race.

Ang ibang makikipag-unahan hanggang sa fi­nish line ay ang Balisong, California Queen, Calling Dexter at Hermie’s May, pag-aagawan nila ang ma­laking halagang nakatayang premyo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Impresibo ang takbo ng Rapido nang manalo ito sa 1st Leg 3-Year-Old Locally Bred Stakes race na nilarga sa pista ng Philippine Jockey Club sa Padre Garcia, Batangas.

Nagtala ang rapido ng tiyempong 1:44.4 minuto sa 1,650 meter sapat upang mahamig nito ang P450,000 premyo.

Asahan naman na maghahanda ng todo ang ibang mga kalahok tulad ng Balisong na gagabayan ni Andreu Villegas at Hermie’s Way na papatungan ni star jockey Jefrill Tagulao Zarate.

Maliban sa nabanggit na karera, tiyak na may mga balanseng regular races ang ihahanda ng pamunuan ng Metro manila Turf Club Inc. (MMTCI) kaya paniguradong magsasaya ang mga karerista sa kanilang paglilibang.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with