Ana Feleo, 100 lbs na ang ipinayat!

Fitness goal ang acting coach/actress na si Ana Feleo.
Grabe ang ipinayat niya. At sa natural na paraan. Hindi tumulad sa ibang nag-shortcut para pumayat.
Ang daming celebrities sa sumabak sa pagpapaturok para pumayat kaagad.
At hindi lang mga female celeb, pati male celebrities, nagpa-inject para pumayat na rin. Pero siyempre, nililihim nila. ‘Kaloka nga naman ‘pag nadiskubreng tamad silang mag-workout.
Anyway, sa latest post ni Ms. Ana na anak ni Direk Laurice Guillen: “Malayo-layo na rin. 2 years and 3 months since I started my lifestyle/fitness change. From 220lbs. and no strength training at all, to now 124.4lbs.”
- Latest


























