^

Probinsiya

9 poste ng kuryente bumagsak sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

OBANDO, Bulaca, Philippines — Magkakasunod na nabuwal ang 9 na poste ng Meralco kamakalawa ng hapon dahil sa lakas ng hangin dulot ng habagat sa Brgy. Tawiran at Paco ng nasabing bayan.

Ayon sa ulat ng Obando Municipal Di­saster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), dakong alas-2:00 ng hapon nang magkakasunod na bumuwal ang 9 na poste ng Meralco sa kahabaan ng sabana ng Brgy. Tawiran at Paco sa Obando, Bulacan.

Dahil sa pangyayari, isinara sa lahat ng uri ng sasakyan ang nasabing kalsada at walang makakaraan sa magkabilang lane o linya dahil sa nag­hambalang ang mga malalaking poste na bu­magsak sa gitnang ba­hagi ng nasabing kalsada.

Ayon sa Obando MDRRMO, masyadong mababaw ang pagkakabaon ng mga poste kung kaya bumigay ang mga ito at tuluyang bumuwal ang 9 na poste.

Pinag-iingat ng mga opisyal ng Obando MDRRMO ang mga tao na naglalakad sa kahabaan ng sabana dahil sa mga nagkalat na malalaking kawad ng kuryente.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng ­clearing operations ang mga tauhan ng Meralco at ­inaayos na ang mga bumuwal na poste.

Inaasahang magbabalik na ang supply ng kuryente ngayong araw na ito at madaraanan na rin ang nasabing kalsada.

Walang naiulat na nadisgrasya o nasaktan sa nasabing insidente.

ACCIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with