^

Police Metro

Mayorya ‘di magpapa-onse sa minorya - Cayetano

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umano muli pang magpapa-onse ang majority bloc sa Senado upang muling maagaw ang Mataas na Kapulungan at hindi matuloy ang pagbubukas ng flood control probe.

Ito ang tiniyak ni Senate President Alan Peter Cayetano na sa kanyang Facebook live ay kanyang kinumpirma na hindi matutuloy ang sesyon bilang parliamentary moves ng mayorya laban sa plano ng minorya na agawin ang Senado at magpatuloy na maging puppet ng Palasyo.

“Mabalik lang ang majority sa ngayon na onse o minority. Kaya parati ko inuulit-ulit, huwag kayong magpa-onse sa onse. E sabi nila ngayon, paano na ‘yan, onse-onse na? So, isi-simplify ko po ha. Ito po ‘yung main message ko ngayon. Isi-simplify ko po ha. Main message na naka-ugnay sa truth. Truth,” ayon kay Cayetano.

Sinabi ni Cayetano na naunang nag-walk out ang minorya upang hindi matuloy ang panukalang amyendahan ang ­Senate Rules na papayagan ang sinumang dumalo sa sesyon at makaboto sa pamamagitan ng teleconferencing.

Pero, sinabi ni ­Cayetano na parliamentary tool din ang ginamit ng majority upang matiyak na matutuloy ang pagdinig ng Blue Ribbon hearing sa Huwebes.

ALAN PETER CAYETANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with