^

Police Metro

Mag-asawang senior, kinatay ng anak

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inatado nang saksak ng isang 46-anyos na lalaki na may problema sa pag-iisip ang kaniyang mga magulang na kapwa matatanda na naganap sa Brgy. Gemumuan Agahon, Passi City, Iloilo, nitong Lunes ng gabi.

Ang mag-asawang biktima ay kinilalang sina Dolores Espina, 82-anyos, at Oscar Espina, 84-anyos, kapwa magsasaka at residente ng nasabing lugar.

Ang suspect ay kinilala sa alyas na “Miller” na umano’y maraming beses ng dumanas ng psychological na problema dahilan sa kawalan ng tulog at kabiguang uminom ng maintenance medication nito para sa kaniyang kaisipan.

Sa ulat ng Passi City Police, nangyari ang krimen noong Lunes ng gabi sa tahanan ng pamilya Espina.

Sinasabing sinumpong umano ang suspect ng kondisyon nito sa kaisipan at dinaluhong ng saksak ang kaniyang mga magulang na kapwa na nagtamo ng mga saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Nabatid na ang suspect ay sumasailalim sa medical evaluation sa Western Visayas Medical Center dahilan sa problema sa kaisipan nito kung saan madalas din itong magwala sa kanilang lugar dulot ng sakit nito sa pag-iisip.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with