Atasha at Jacob, na-marites ni Mayor Zamora

As of this writing ay wala pa ring inilalabas na official statement mula sa magkahiwalay na kampo nina Bea Alonzo at ang negosyanteng si Vincent Co na may kinalaman sa kanilang naudlot na pagpapakasal sa Spain nung nakaraang buwan kaya nananatiling nakabitin ang kanilang followers sa dahilan ng aborted na kasalan.
Sana ay hindi naman ganito ang mangyari sa rumored sweethearts na sina Atasha Muhlach at anak ng business tycoon na si Ramon Ang na si Jacob Ang na isa ring matagumpay na negosyante.
Wala pa mang opisyal na pag-amin na nagmumula kina Atasha at Jacob, marami ang naniniwala na may relasyon na ang dalawa na nagsimulang lumutang as early as last year.
Nang matanong ang bilyonaryong dad ni Jacob na si G. Ramon Ang tungkol sa estado nina Atasha at Jacob, sinabi nitong magkaibigan lamang umano ang dalawa and he finds Atasha a nice lady.
Tiyak na darating din ang tamang araw kung kelan tuluyang magsasalita si Bea na hindi naman ito inaasahan na gagawin ni Vincent na kahit nung hindi pa sila magkasintahan ni Bea ay consistent sa pagiging isang pribadong tao.
Samantala, thanks to San Juan Mayor Francis Zamora dahil ito ang nag-post sa kanyang Facebook account ng picture nina Atasha at Jacob na kuha sa reception ng wedding ng nakababatang kapatid na babae na si Carmela Ang na ginanap sa isang posh hotel in Makati.
Si Atasha ay nagmula sa showbiz royalty ng mga Muhlach, ang twin sister ng actor na rin ngayon na si Andres Muhlach at mga anak ng dating matinee idol na si Aga Muhlach at dating beauty queen, actress-host na si Charlene Gonzalez-Muhlach.
Samantala, ipinakita ng Kapuso star and entrepreneur na si Bea Alonzo ang kanyang professionalism pagdating sa kanyang trabaho.
Sa kabila na may personal na pinagdaraanan ang aktres ay hinarap na lamang nito ang kanyang trabaho bilang actress.
Balik-taping na si Bea sa kanyang pinakabagong series sa bakuran ng GMA, ang Whispers from Heaven.
- Latest
























