Aktor, lalaki ang karelasyon
Nakakagulat naman ang sikreto ng isang magaling na aktor ayon sa kuwento ng isang kaibigan.
Lalaking tingnan ang aktor na hindi naman kagwapuhan pero magaling umarte at magpatawa.
Kahit na leading lady niya eh inirereto sa kanya. Pero pawang pabiro lang ang sagot ni aktor kung nililigawan.
‘Yun pala, may ka-partner na siyang lalaki ayon sa source namin kaya walang babaeng nililigawan!
Kaya pala pagdating ng personal life, inililigaw ng aktor ang usapan kapag natatanong!
Direk Arnel, balik-GMA
Mula sa GMA napunta sa ABS-CBN si Direk Arnel Natividad na ilan sa idinirek na show ay ang Gandang Gabi, Vice!
Sa musical variety show na Vilma namin madalas makita si Direk bilang floor director.
Nakasama rin namin si Direk Arnel sa ilang out-of-the-country shows ni Ate Vi na ngayon ay Governor Vilma Santos-Recto ng Batangas.
Si Direk Arnel ang director ng The People Have Spoken nina Heart Evangelista at Sean Lucas.
Ngayong Sabado, June 6, ang premiere ng game show after 24 Oras Weekend. Damhin sa game show ang pagiging sosyal na kikay at fashionista ni Heart!
- Latest
























