‘Rosaryo’ (Part 3)
HABANG pumapanhik ako sa hagdan patungo sa second floor ay sinasalat ko ang rosary na nasa bulsa ng aking pantalon. Hiniling ko na matanggap ako bilang helper para makapatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo.
Pagdating sa second floor ay may nagbabantay na sekyu.
“Aplikante ka ba?” tanong sa akin.
“Opo Sir.”
“I-filled up mo ito,” sabay abot ng papel.
Mabilis kong sinulatan ang papel. Nang matapos ay iniabot ko sa sekyu.
“Maupo ka muna roon sa silya. Tatawagin ka.”
Naupo ako. Habang nakaupo ay inilabas ko ang rosaryo at nagdasal ako. Hiniling ko kay Hesus at Virgin Mary na matanggap ako sa trabaho.
Eksaktong natapos ko ang pagrorosaryo, tinawag ako ng sekyu.
“Eduardo Manahin!”
“Yes Sir,’’ sagot ko.
“Pumasok ka sa kuwartong iyon. Iinterbyuhin ka ng manager.”
“Opo Sir.”
Mabilis akong pumasok sa room.
Nakita ko ang naghihintay na manager. Babae. Mukhang mabait.
“Good morning Mam.”
“Good morning. Take a seat.”
Naupo ako. Sinalat ko ang rosaryo sa bulsa. (Itutuloy)
- Latest
















