Kumpiyansa si Brownlee
Six-time champion si Justin Brownlee sa PBA, pero kumakalam na ang sikmura para sa ikapito dahil 2023 pa nakuha ang huling championship.
PBA import barometer siya mula 2016 hanggang 2023. Natapos ang kanyang pamamayagpag pagdating ni Rondae Hollis-Jefferson.
Balik finals si Brownlee at Barangay Ginebra, ganoon din naman ang TNT Tropang 5G, kasama si Chris McCullough.
Walang dudang key factor sa PBA Season 50 Commissioner’s Cup finals ang ilalaro ni Brownlee at McCullough. Magsisimula ang serye Wednesday, sa Smart Araneta Coliseum.
Paniwala ni Brownlee na panahon na nilang muling makamit ang ultimate glory.
“It’s our time,” ani Brownlee, kumbinsidong kayang lagpasan ang TNT – o Meralco man, kung nagkataon sila ang nanalo sa Bolts-Tropa series.
Tunay naman na balik ang dating kisig ni Brownlee, na binuhat ang Gin Kings sa No. 2 finish sa elims, minani ang No. 7 Phoenix Super LPG sa quarterfinals at nilagpasan si Jaylen Johnson at Rain or Shine sa semifinals.
Mula kay ROS coach Yeng Guiao, mabigat ang inilalaro ni Brownlee.
Pero siguradong hindi magaan ang Tropang 5G.
Champion import din si McCullough – hindi kasinghaba ni Bol Manute Bol pero mas mahaba kay Brownlee at nakabuo na ng chemistry sa TNT locals.
Perfect 3-0 card ang tangan ng TNT kontra Ginebra sa kanilang huling tatlong finals face-offs. At iyon eh paghaharap nina Hollis-Jefferson at Brownlee.
Pero Brownlee-McCullough ang matchup ngayon.
Magbabago kaya ang script? Redemption para sa Gin Kings? O reign extension sa TNT.
- Latest


















