^

PM Sports

Redmiss kinahon ang 3YO Maiden race

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasilayan ng mga karerista ang husay ng Redmiss matapos nitong sikwatin ang panalo sa 3-Year-Old & Above Maiden Race (Placers) na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.

Nanood lamang sa segundo puwesto ang Redmiss sa kaagahan ng karera, nasa unahan ang mabilis sa unang lundag na Excel habang tersero ang Mariz Centurys.

Sa kalagitnaan ng karera ay kumapit na sa unahan ang Redmiss sa Excel habang nasa tersero puwesto pa rin ang Mariz Centurys.

Nagkapanabayan sa unahan ang Excel at Redmiss sa far turn kaya naman pagdating sa huling kurbada ay umungos na ang winning horse.

Umalagwa ang Redmiss sa rektahan pero nagbigay ng magandang laban ang Beautiful Things, rumemate ito at muntik pang lumampas dahil leeg lang ang lamang ng una pagtawid nila sa meta.

Ginabayan ni jockey Jomer Estorque, nirehistro ng Redmiss ang 1:29.8 minuto sa 1,400 meter race.

 

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with