Ashtine, ayaw paawat!

There’s no stopping Viva young star na si Ashtine Olviga from finding her place in showbiz. Although she’s been around for sometime, it was only last year (2025) nang mabigyan siya ng pinakamimithing break sa Viva, her home studio since she was in her teens bilang miyembro ng magkakaibang all-girl teen P-Pop groups, ang UGG, Ppop Generation, and LITZ.
Although singing and dancing was her first love, acting came a bit later pero dito na siya ngayon unti-unting tumatatak including her being an in-demand celebrity endorser.
As early as 2019 ay gumagawa na siya ng supporting acting roles tulad ng Sisters Forever at Tropang Torpe nung 2020. Nagsimula naman siya gumanap ng lead role sa For the Love nung 2023 but it was in 2025 nang umangat nang husto ang pangalan ni Ashtine along with her ka-loveteam na si Andres Muhlach nang kanilang gawin ang hit Viva One adaptation ng hit Wattpad series na Mutya ng Section E na sinundan ng kanilang hit movie together, ang Minamahal: 100 Bulaklak Para Kay Luna mula sa panulat at direksiyon ni Jason Paul Laxamana.
Dahil dito, agad nabigyan ng magkasamang endorsement sina Ashtine at Andres. After this ay dumiretso na ang dalawa sa magkakahiwalay na proyekto – si Andres sa hit stage musical na Bagets reprising his father’s (Aga Muhlach) role in the 1984 breakthrough movie of same title habang si Ashtine naman ay nagtuluy-tuloy sa paggawa ng kanyang solo anthology – ang Viva One Originals: Ashtine at sa kanyang pagiging in-demand celebrity endorser.
At ang pinakabago niyang endorsement ay para sa isang kilalang shampoo brand kasama sina Belle Mariano at ang PBB alum, ang singer-actress na si Kai Montinola.
Napasama rin si Ashtine sa Metro Manila Film Festival movie entry nung nakaraang taon, ang Manila’s Finest na pinagbidahan ni Piolo Pascual at pinamahalaan ni Rae Red.
Inihahanda na rin ng Studio Viva ang balik-tambalan nina Ashtine at Andres sa pamamagitan ng Book 2 ng Mutya ng Section E: The Dark Side plus other projects lined-up for her.
Anniversary concert ni Joey, may repeat agad!
Dahil sold-old ang 45th anniversary concert ng Canada-based music icon, ang singer, at hitmaker na si Joey Albert nung nakaraang April 25, 2025, ang FORTYfied na pinamahalaan ni Frank Lloyd Mamaril as over-all director with Archie Castillo as musical director and produced ng DSL Productions ng Concert Queen na si Pops Fernandez, muling magbabalik ang FORTYfied sa Newport Performing Arts Theater ng Newport World Resorts sa darating na July 30, 2026 (Thursday) at 8:00 p.m. with another array of special guest performers.
Thankful si Joey sa lahat ng sumuporta sa kanyang April 25, 2026 anniversary concert laluna ang kanyang kaibigan at dating kasamahan sa OctoArts International na si Pops Fernandez kung saan sila pareho nagsimula as recording stars.
Janella, ipinagdarasal na lang ng nanay!
Eighteen years old pa lamang noon ang Kapamilya young star na si Janella Salvador nang ito’y bumukod sa kanyang inang singer-actress na si Jenine Desiderio at sa nakababatang kapatid na si Russel para magsarili.
Bilang ina, hindi man magkasama ang mag-inang Jenine at Janella, patuloy na ipinagdarasal ng dating Miss Saigon star at music icon ang kanyang anak na sana’y patuloy itong gabayan ng Diyos sa kanyang mga desisyon sa buhay.
Tulad niya, si Janella ay isa ring single mom sa anak nitong si Jude (5) sa kanyang Fil-British ex-boyfriend, ang actor na si Marcus Paterson.
Janella is now openly in a relationship with Kapuso actress Klea Pineda.
- Latest




















