Matteo, nasa TV5 na?!

Tsinek namin ang Instagram ni Matteo Guidicelli, his latest post was yesterday at pinu-promote nito ang talk show niya na Matteo G Primetime, pero hindi na sa Bilyonaryo News Channel kundi sa Youtube. Lalo tuloy naniwala ang netizen na pinull out na ng BNC ang show dahil terminated na raw siya sa BNC.
Ang sabi pa, may kinaalaman ang guesting ni Matteo sa Frontline ng TV5 sa kanselasyon ng kanyang shows. In fairness, nag-promote lang naman si Matteo ng 12-episode documentary series niya na Patriots na airing sa TV5. Obviously, hindi ito puwede.
Wala pang comment si Matteo sa isyung kanselasyon ng kanyang shows sa BNC na kundi kami nagkakamali ay two shows. Bukod sa kanyang talk show, anchor din siyang Agenda.
Anyway, sa mga nababasa naming comments, nagagalingan ang mga netizens kay Matteo as host, ang sarap daw niyang pakingggan and he asks the right questions.
Pero, may komontra sa sinabing magaling na host si Matteo dahil ang totoo, wala raw itong kabuhay-buhay na host. May nagsabi pang corny siyang mag-host at minsan, OA raw ito. May nag-comment pa na rich kid si Mateo kaya he is given opportunities and job.
Kapag totoong BNC will let go of Matteo, siguradong sa TV5 siya lilipat at may shows agad siya.
Kaya, hindi rin mawawala sa television si Matteo at tuloy pa rin niyang magagamit ang G Studios nila ni Sarah Geronimo.
Anne, todo suporta kay Jasmine
Sumuporta si Anne Curtis sa finale ng Stars On The Floor. Kabilang sa audience si Anne and she was there to support her sister Jasmine Curtis Smith na isa sa contestant. Sa video at photos na lumabas, makikitang nag-i-enjoy si Anne at sumabay pang sumigaw sa supporters ni Jasmine.
Well, napapanood naman si Anne as host ng It’s Showtime na umeere sa GMA so technically, miyembro siya ng Kapuso family. ‘Yun nga lang hindi ang GMA ang producer ng nasabing noontime show nila nina Vice Ganda.
Peto dati talaga siyang Kapuso ay matagal napanood sa isang comedy show ng GMA 7.
Max, pinatulan ang pagiging kamukha ni Miss Columbia!
Aliw si Max Collins, sinakyan ang mga nag-comment na kamukha niya si Miss Grand International All Stars winner na si Vanessa Pulgarin ng Columbia. Pinagtabi pa ng mga netizens ang photos ng dalawa at may nag-post pa ng photo ni Max wearing a crown at lumabas na siya ang winner.
Sagot ni Max sa nag-post ng photo niya wearing a crown, “Hahahahha Bessie.” May caption na “Hindi mo kami maloloko @maxcollins Congratulations!”
May mga nag-agree na magkamukha ang dalawa at mas maganda pa nga raw si Max at natural beauty pa. Mula noong ipakilala siya ng ABS-CBN hanggang ngayon, wala pa ring ipinagbago ang mukha.
Siyempre, may mga kontrabida at inalmahan ang sinabing kamukha ni Max si Miss Columbia, lalo na ‘yung nagsabing mas maganda si Max.
- Latest


























