Thunder sibak sa Spurs sa Game 7

OKLAHOMA CITY — Umiskor si Victor Wembanyama ng 22 points para gabayan ang San Antonio Spurs sa 111-103 pagpapatalsik sa dating kampeong Thunder sa Game 7 ng kanilang Western Conference championship series papasok sa NBA Finals.
Lalabanan ng Spurs para sa korona ang New York Knicks na nauna nang winalis ang Cleveland Cavaliers, 4-0, sa kanilang Eastern Conference finals showdown.
“This feeling, I can’t explain it,” wika ng 7-foot-4 na si Wembanyama. “It’s so powerful.”
Umiskor si Julian Champagnie ng 20 markers tampok ang anim na three-point shots para sa muling pagsampa ng Spurs sa NBA Finals matapos noong 2014.
Nagdagdag si Stephon Castle ng 16 points at may 15, 12 at tig-11 markers sina De’Aaron Fox, Fil-Am Dylan Harper, Keldon Johnson at Devin Vassell, ayon sa pagkakasunod.
Bubuksan ng Spurs at Knicks ang Game One ng kanilang best-of-seven title series sa Huwebes sa New York City.
Binanderahan ni Shai Gilgeous-Alexander ang Oklahoma City sa kanyang 35 points kasunod ang 17 markers ni Cason Wallace at tig-12 points nina Jared McCain at Alex Caruso.
“Winning an NBA championship is very hard in itself to do one time,” ani Gilgeous-Alexander na iginiya ang OKC sa NBA crown noong 2025 laban sa Indiana Pacers. “So to do it all over again would just only make it harder.”
Ang blangka ni Spurs’ center Luke Kornet kay Oklahoma City big man Isaiah Hartenstein ang pumigil sa pagdikit ng Thunder sa four-point deficit sa krusyal na bahagi ng fourth period.
“The players did what they’ve been doing all year, and they met the biggest moment,” wika ni San Antonio coach Mitch Johnson.
- Latest

















