Lalaki arestado sa ‘sextortion’ sa 14-anyos dalagita
MANILA, Philippines — Bumagsak sa kamay ng pulisya ang isang lalaki sa isang silid ng motel na tinakot ang isang 14-anyos na dalagita na ilalabas ang kanilang mga sex video kung hindi ito makikipagkita at makipagtalik naganap,kamakalawa sa Brgy. Habay 2, Bacoor City Cavite.
Ang naarestong suspek ay kinilalang si alyas “Boy”, nasa hustong gulang, residente ng Bacoor City.
Sa ulat, nagtungo sa pulisya ang biktimang si alyas “Baby”, 14, residente ng Kawit Cavite, kasama ang anak nito upang humingi ng tulong hinggil sa pamimilit at pananakot ng suspek na muling makipagkita upang makipagtalik dito .
Napag-alaman na ilang beses na din umanong nakatalik ng suspek ang biktima dahil na rin sa mga pananakot.
Nitong Mayo 30 ay muling chinat ng suspek ang biktima at pinipilit na muling makipagtalik sa kanya at kapag hindi ay ikakalat ang mga malalaswang video kapag hindi ito pumayag.
Dito na ikinasa ng pulisya ang entrapment at nang nasa nasa loob na ng isang kuwarto ng hotel ang biktima at suspek ay nagpadala na ito ng signal sa mga otoridad at naaresto ito.
Narekober sa suspek ang isang cal .38 na revolver na kargado ng bala, isang cellphone na naglalaman ng mga video scandal ng biktima at suspek, 1 motor, at 2 helmet.
Kinasuhan ang suspek ng multiple counts of statutory rape, attempted rape, grave threat, grave coercion, illegal possesion of fire arms.
- Latest
















